Sunday, November 27, 2011
KC and Piolo Break Up Buzz Interview Full Text
SAD ENDING OF THE FAIRY TALE. To those who are interested (only to those who are interested) here is the full transcript of the interview.
Boy Abunda: Nung maging officially kayo ni Piolo Pascual, what was it like? Go back, take me back to October 21 (2010)? [Ang petsa kung kailan sila naging opisyal na mag-on]
KC Concepcion: Actually simula nung 18 (years old) ako tinry na niyang well, ligawan ako. Nung 18 ako. But then in the last three years talaga since bumalik ako from abroad, siya ‘yung unang bumungad sa akin, siya at saka ‘yung barkada niya. ‘Yung una kong nakilala, two years kasi ako, Tito Boy, niligawan talaga ni PJ na on and off. So talagang sa loob-loob ko sabi ko, sabi kasi nila kailangan mo talagang kilalanin ang taong ‘yon. So ‘yun talaga ang ginawa ko. Uhm kinilala ko siya, simula talaga ng Lovers in Paris na talagang sinasabi niya na he wants to get to know me more. May mga time pa na three months kaming hindi nag-uusap tapos biglang bumalik siya tapos nanligaw na talaga.
BA: What would you be thinking those times na wala na tapos babalik na naman?
KC: Na baka hindi siya sure sa akin or baka iniisip mo na lang nung natapos ‘yung Lovers… baka kasi break muna kasi araw-araw kaming nagkikita. Basta nagdi-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman kaya lang hindi alam ng tao. And then he came back nung April of 2010 and then sabi niya nung birthday ko, pinuntahan niya ako and then sabi niya, ‘give me another chance.’
BA: At binigyan mo siya ng pagkakataon?
KC: Opo naman. And so after that, by October 2010, he asked me to be his girlfriend. And for me ano lang, babae lang ako na niligawan na kinilig nang sobra. Kasi ‘di ba tingnan ka lang ni Piolo nang konti eh talaga namang as a girl, kikiligin ka talaga. Uhm as I always say, ikaw ba ligawan ka, ikaw ba ligawan ni PJ or somebody na kasimbait niya or somebody na ganyan ka guwapo…? Nagpapakatotoo lang naman ako.
BA: During this time itong two years na nililigawan ka ni Piolo, sigurado ako dahil meron akong mga nakausap na mga kaibigan at mga taong nagmamahal sa ‘yo, na hindi sila boto kay Piolo. Looking back ngayong nag-uusap tayo naiintindihan mo ba kung saan nanggagaling ‘yung mga opinyon, ‘yung mga boses na ‘yon?
KC: Napag-usapan namin, Tito Boy, ni PJ and uhm sinabi na rin po niya sa akin na meron din namang nagsasabi sa kanya daw na ayaw din nila sa akin for him. Sabi ko, ‘poproblemahin ba natin ‘yon? ‘Yung ibang tao kase anyone naman can have an opinion about you, anyone can have an opinion about me.’ Sabi ko, ‘huwag mong pansinin ‘yung ibang tao. If anything, ako sasabihin ko sa ‘yo I trust you. So let’s make it a point kung anuman ang sabihin mo sa akin, kung anuman ang sabihin ko sa ‘yo ‘yun ‘yung paniniwalaan ko.’
BA: What was the best thing about that relationship?
KC: You know, it’s my first showbiz relationship.
BA: Ang ibig sabihin ay…
KC: Pareho kami ng trabaho, I think the best thing is that natuto ako… parang naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko din na seryoso talaga na to the point na talagang may mga bagay na hindi naman kumportable na nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept.
BA: May mga bagay na mahirap pero tinatanggap and that’s mutual.
KC: Mas naiintindihan ko ‘yung ano ang pagmamahal. I know it sounds corny pero ‘yung mas accepting ako.
BA: Ikumpara mo nga, Kristina, ang October 21 2010 at ang October 21 ng 2011. May mga pagbabago may, mga pagkakapareho, saan napunta ang relasyon?
KC: Naging klaro po sa akin. Marami pong naklaro.
BA: Katulad…
KC: Uhm, ‘Yung mga kaya ko at ‘di ko kayang gawin…
BA: Bilang girlfriend?
KC: Bilang babae. Na minsan, uhm, kelangan mo ring intindihin ang sarili mo kasi bigay lang ako nang bigay. Uhm, tsaka iniintindi ko lahat, Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi ako nang intindi, tinatanggap ko lang nang tinatanggap, ‘yun pala hindi pala dapat ganon.
BA: Kristina, in some of your interviews, may mga pagkakataon na hindi namin masyadong maunawaan ang mga sinasabi mo, especially when you referred to wanting to speak up tungkol sa ilang mga bagay na may kinalaman kay Piolo Pascual ang mga pag-uusap na ito. Bakit ka nagsasalita ngayon? Why are we talking about it, why the need to be able to tell your story?
KC: Tito Boy, kasi kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili kong uhm… andami po kasing nangyari… (Tila iniisip ni KC ang tamang salita.)
BA: Can I give you the word? Katinuan, sanity, katahimikan.
KC: Opo. Parang andami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga at may mga masasayang moments naman, Tito Boy, syempre ano lang talaga… Hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema namin sa iba. Hangga’t kaya ko pa and I guess nung time talagang na-realize ko na talagang hindi na talaga ito gagana, dalawa or tatlong buwan talaga akong pumapasok sa The Buzz every Sunday or sa ASAP na kunwari okay lang lahat kasi ang akala ko, mawawala lang siya… na akala ko parang hindi naman kailangang malaman ng ibang tao para maayos ang problema. But then talagang ‘pag pumapasok ako, Tito Boy, tapos pagdating ng commercial break, hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko dahil sa lahat ng pinagdadaanan namin… and nagkukulong na lang ako sa banyo. Parang hindi ko na puwedeng gawin ‘yon today. Hindi ko siya kayang mag-isa.
BA: Direktang tanong, Kristina. Hiwalay na ba kayo ni Piolo Pascual, oo o hindi?
(Naiiyak man ay tumango si KC upang kumpirmahin na wala na sila ni Piolo.)
BA: Sabihin mo lang ang kayang sabihin mo sa amin: bakit, paano, saan, kailan, sino ang nakipaghiwalay? How did it all happen? Tell me what you can tell me.
(Hindi muna sumagot si KC.)
BA: Unahin natin, bakit kayo naghiwalay? Para maunawaan natin…
KC: Paano ko ba to sasagutin? May mga hinahanap ako na napaka-basic lang na hinahanap ng isang girlfriend sa isang lalaki. Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi parang ayokong siraan siya… pero let’s just say lahat talaga kaya ko. Lahat, lahat-lahat ng… kung may anak siya tinanggap ko ‘yon. Tinanggap ko ‘yung anak niya. Kahit may mga times na hindi ko siya naiintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya ‘yon. Uhm, kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na dapat ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na parang ‘di ko na kaya, hindi ko na kayang tanggapin. Hindi ko na kayang tanggapin. At kasalanan ko naman sa sarili ko, Tito Boy, kasi syempre ginusto ko ito ‘di ba? Gusto ko ito ‘di ba? So kasalanan ko sa sarili kasi pinaglaban ko pa, eh. Ginusto ko, eh. Tsaka sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra…
BA: May third party ba?
KC: Ayokong sagutin, Tito Boy.
BA: Kristina gaano kasakit ang sakit? How painful it is…
KC: Sobra po.
BA: Galit ka?
KC: Ngayon ko lang po na-realize na, opo.
BA: Galit ka dahil… ano’ng ginawa sa ‘yo, ano ang hindi mo kinaya at bakit ka galit?
KC: Ewan ko kung bakit, paano nangyari ‘yung pain atsaka ‘yung sama ng loob naging galit. Na talagang nagugulat din ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako, ‘yung parang ‘di naman ako ganon and bigla na lang akong maiiyak kasi di pala ako okay. And then siya parang natatawa lang siya ‘pag nakikita kong ini-interview siya. Dinadaan na lang niya sa joke na parang ako… bakit ikaw ganyan? Ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli mag-isa lang ako dito? Ano’ng sasabihin ko sa pamilya ko? Ano’ng sasabihin ko kay mama na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi? Kasi ‘pag sinabi kong hindi na (kami ni Piolo), magtatanong siya, bakit? Ano’ng isasagot ko sa kanya? Ano’ng isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kasi, eh hindi ko talaga masabi, Tito Boy, sa kahit na sino’ng tao kung ano’ng nangyari…
BA: At kung ano’ng dahilan dahil ‘pag sinabi mo, ano’ng mangyayari ?
KC: Ayoko lang makasakit, Tito Boy?
BA: Humingi naman ba siya ng tawad?
KC: Opo, Tito Boy. Ganun naman po si PJ, humihingi ng tawad. Pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is, sana hindi na maulit. Kasi hindi ka naman, Tito Boy, magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit tapos paulit-ulit ding mangyayari.
BA: Did he ask for a second chance?
KC: Tito Boy, binigyan ko siya ng second chance, third chance, fourth chance, fifth chance, sixth chance, seventh chance. Pagdating ng eighth chance, parang… parang… parang na-realize ko hindi lahat ng problema nadadaan sa kilig. Hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa. Hindi lahat nadadaan sa kilig kasi ang galing-galing niyang magpakilig. Ang tanga-tanga ko nga, Tito Boy, eh. Dumating nga siya sa point na sandali lang, parang hindi na natin inaano ‘yung totoong nangyayari. Kasi titingnan ka lang niya, ay, wala na talaga. Nakalimutan ko na lahat (ng atraso niya). Eh, lagi na lang, Tito Boy, ganon.
BA: Pero pagdating mo dito sa Pilipinas, you left again. You went to the United States for a series of concerts. Kasama mo si Piolo. So how was that like?
KC: Sobrang challenge ‘yon, Tito Boy, sobra talaga…
BA: Kasi magulo na ‘yon, ‘di ba?
KC: As in… Oo, Tito Boy, sobrang… everyday talaga nung tour na ‘yon, talagang parang test. ‘Yung parang exam, alam mo ‘yon?
BA: Nag-uusap kayo? Sinubukan n’yong pag-usapan?
KC: Opo, nag-uusap kami.
BA: Pero may pinupuntahan ba ang pag-uusap n’yo?
KC: PJ knows exactly why we broke up, he knows exactly why. Araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami parang tug of war talaga. Kasi ito ‘yung taong minahal ko o mahal mo pero sobra akong nasasaktan ngayon. Pero mahal ko siya, pero hindi na talaga pwede. And araw-araw na magkasama kami iniisip ko, dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, hindi rin natin na-enjoy dahil hindi na talaga gagana.
BA: Kristina sa pinagdadaanan mong ito, sino’ng kakampi mo at saan ka humuhugot ng lakas?
KC: Talaga pong ‘yung time na ‘to, ‘yung pinaka never pa akong nakakapagdsal ng ganito kasobra. Sobrang first time kong magdasal ng ganito na talagang Diyos na ‘yun eh. Pwede pa akong magtiwala na Diyos ‘yan and Siya lang po talaga ang naging kakampi ko sa lahat.
BA: Lahat ng nangyari sa iyo naikuwento mo na ba lahat sa mama mo, si Sharon Cuenta?
KC: Tito Boy, kahit hindi ko pa naikwento sa kanya, alam na niya.
BA: Sa palagay mo, ano ang pagkukulang mo bilang girlfriend kay Piolo Pascual.
KC: Naniniwala naman ako na ‘pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan ‘yon pero masakit mang sabihin, hindi ako ‘yung… siguro nag-fail din ako dahil hindi ako ‘yung kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako ‘yung hinahanap niya sa buhay niya, and hindi ko maibigay sa kanya ‘yung kailangan niya.
BA: Kanina tinanong kita, what was the best thing about that relationship. Tell me, what was the worse about that relationship?
KC: What was the worst... Uhm, ‘yung dahilan ng breakup namin.
BA: Sa gitna ng problemang ito, naging magkaibigan kayo ni PJ?
KC: Opo.
BA: Are you friends now?
KC: We’re civil with each other.
BA: But you’re hoping you can be friends?
KC: Ang hiningi ko lang sa kanya, 'PJ, please 'wag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako. ‘Wag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto. 'Wag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin. ‘Wag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat. Kung kailangan ko munang mag-respond at mag-react ng kung paano normal na mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko.
BA: Ano’ng reaksyon niya?
KC: Tumahimik, Tito Boy.
BA: How are you coping?
KC: Siguro po isa po ito sa mga kinailangan ko munang gawin, kasi habang hindi ko po kasi nasasabi sa mga tao na ito na po iyon, e. Parang ang hirap kasi meron kang tinatago sa tao na hindi ko pa sinasabi na hiwalay na so...
BA: Kristina, you're walking away from this relationship, ano ‘yung pinakaimportanteng leksyon na natutunan mo rito bilang isang babae?
KC: Magtira ka para sa sarili mo, at ang tiwala na ibibigay mo sa taong mamahalin mo, dapat alagaan ng taong mahal mo.
BA: Ano ang nais mong sabihin kay Piolo?
KC: Alam na niya ‘yun.
BA: Gusto naming marinig, what would you tell him?
KC: 'Wag muna ngayon, Tito Boy.
BA: One wish, one wish. God is there. One wish, Kristina.
KC: Na makahanap talaga ako ng true love! (Sabay tawa ni KC.)
BA: Tutulong kami sa pagdarasal! Maraming salamat, Kristina. Thank you
No comments:
Post a Comment